Ngayong buwan ng Agosto, ating ipinagdiriwang ang isang bagay na kumakatawan sa ating pagkakakilanlan at sumasalamin sa kasaysayan ng ating bansa — ang Wikang Filipino.
Sa temang “Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha,” kaisa ang Urdaneta City University sa pagpapalawig ng kaisipan at pagtuklas ng solusyon sa iba’t-ibang suliraning kinakaharap ng lipunan sa pamamagitan ng wikang Filipino.
Isang makabuluhang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa!
Opisyal na poster: Komisyon ng Wikang Filipino Official Website