International research conference, pinangunahan ng UCU :: Urdaneta City University

International research conference, pinangunahan ng UCU

 

Naging matagumpay ang ginanap na International Research Conference sa Urdaneta City University na may temang “Elevating Perspectives in Cultivating Research Culture among Educators” na inorganisa ng Center for Quality Management (CQM) noong ika-8 hanggang ika-9 ng Agosto, 2022.

 

Dinaluhan ang nasabing conference ng mga propesyunal at eksperto sa pananaliksik mula sa iba’t ibang institusyon kabilang ang The New College Chennai–India, University of Technology and Applied Science – Shinas, at Chetan Business School Hubli–India sa pamamagitan ng hybrid setup.

 

Naging tampok sa nasabing conference ang pagbabahagi ng mga makabuluhang research presentation mula sa iba’t-ibang sector ng akademya, industriya, at mga mamamahayag.

 

ihrc1.jpg

 

Nagbigay ng pahayag ang ilang mga panelist ng kaalaman at  payo para sa mga nagnanais maging propesyunal na mananaliksik. Kabilang dito sina Prof. Rhoda Basco Galangco, propesor  sa Mountain Province State Polytechnic College, at Professor Joseph L. Andaya, Research Head of Philippine College of Criminology.

 

ihrc.jpg

 

Sa isang panayam kay Dr. Easter B. Belandres, Direktor ng Center for Quality Management (CQM, ibinahagi niya ang pangkalahatang kahalagahan ng conference, maging ang maidudulot na epekto nito sa buong Unibersidad.

 

ihrc2.jpg

 

“We are promoting research culture, publications, and presentations not only in the university but internationally. We are also building linkages to other countries like in Oman and China. We believe we are going to have more partners in the future,” wika ni  Belandres.

 

“Aming isinusulong ang kultura ng pananaliksik, kabilang na ang paglimbag at presenatsyon hindi lamang sa unibersidad kundi sa buong mundo. Kami ay rin bumubuo ng linkages sa ibang mga bansa tulad ng sa Oman at China. Naniniwala kami na [sa pamamagitan nito], magkakaroon kami ng higit pang mga katuwang hinaharap,"